Nauwi sa hindi inaasahang kamatayan ang pagmamagandang loob ng isang 27 anyos na helper matapos makuryente habang inaayos ang wirings ng kuryente sa bahay ng kaniyang kaibigan sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon kay PMAj. Rommel Bagsic, hepe ng Pozorrubio PNP, base inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, pumasyal umano ang biktima sa bahay ng kaniyang kaibigan sa barangay Talogtog ng nasabing bayan at napansin na walang ilaw kaya nagboluntaryo ito na ayusin subalit habang inaayos ang wirings ng kuryente ay aksidenteng nakuryente ang biktima.

Nirespondehan ng kapulisan ang insidente at nakita ang biktimang si Alvin Bambilla, residente ng Brgy. Amagbagan ng naturang bayan, na hawak-hawak pa ang wire ng kuryente.

--Ads--
PMAj. Rommel Bagsic, hepe ng Pozorrubio PNP

Agad na dinala sa ospital ang biktima subalit idineklarang DOA ng attending physician.

Payo naman ng hepe na kung mayroong problema sa wirings sa bahay ay mas maigi na ipatingin sa mga lisensyadong electrician para maiwasan ang aksidente