Tinitignan ngayon ng Pangasinan PDRRMC ang posibilidad ng flashflood bagamat tiniyak ng ahensiya na nakahanda ang kanilang mga sasakyan para sa rescue at pre-emptive evacuation dahil sa Tropical Storm Pepito.

Ayon kay Shallom Balolong, Head ng Early Warning Officer ng PDRRMC, noon pa lamang Mayo ng kasalukuyang taon, nagpre-deploy na ng mga rescue boat sa mga strategic place na mga flood prone area sa probinsiya ng Pangasinan gaya ng bayan ng Calasiao, Mabini, Bani, Mangatarem at San Fabian.

Saad pa ni Balolong na madaming sasakyan ang PDRRMC.

--Ads--

Aniya, sa katunayan nakahanda na ang 10 dumptruck galing sa provincial engineering at tatlong 6×6 rescue trucks at water boats bukod pa sa pinapre-deploy sa ilang LGUs at mayroong 30 rescuers na ready to deploy.

Shallom Balolong, Early Warning Officer ng PDRRMC

Noon pang June ng idineklara ng PAGASA na opisyal na simula ng rainy season, hinihikayat na ang mga LGU na ihanda ang mga evacuation center bukod pa sa mga isolation at quarantine facility.