DAGUPAN CITY– Patuloy ang paghahanap ng kapulisan sa suspek na pinugutan ang matalik nitong kaibigan habang nag-iinuman sa isang boarding house sa bayan ng Tayug Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pmaj. Arnold Soriano , hepe ng Tayug PNP nangyari ang insedente habang nagseselebra ng kaarawan ang suspek na si Joel Dela Cruz isang tindero ng scramble at tubong Nueva Ecija sakanilang boarding house sa Barangay Trenchera sa naturang bayan kung saan ito nakatira kasama ang biktima .

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan sa kasagsagan umano ng kanilang inuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima sa isa sa mga panauhin at gumawa ito ng gulo.

--Ads--

Bunsod nito ay kumuha ng itak ang suspek at tinaga sa leeg ang biktima ng paulit-ulit hanggang matanggalan ito ng ulo.

Napag-alaman din na nasa 4 hanggang 6 na katao ang nasa lugar ngunit wala namang nadamay dito at ayon sa mga testigo itak ang ginamit nito ngunit ang murder weapon ay dala ng supek nang ito’y tumakas.

Matapos ng insidente ay naireport agad ito sa kapulisan at nagsasagawa ang mga ito ng hot pursuit operation upang hanapin ang suspek.

Isinampa na rin ang kasong murder laban sa suspek .

PMaj. Arnold Soriano , Chief of Police Tayug PNP

Ikinalukungkot at ikinabigla naman ng pamilya ng biktima ang nangyari dahil matagal na rin umano ang suspek sa boarding house na ito.

Hinihingi naman ng opisyal ang suporta ng taumbayan na kung sino ang nakakakilala sa suspek ay ipagbigay alam ito sa kanilang himpilan upang maaksyunan at nanawagan din ito sa suspek na sumuko na upang mapagbayaran ang kaniyang ginawa.