Arestado ang 56 anyos na lalaki matapos umanong bosohan ang isang 16 anyos na dalaga sa bayan ng Tayug dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, habang naliligo ang dalaga sa banyo bigla na lamang ipinasok ng lalaki ang kaniyang kamay sa loob ng banyo at hinawakan ang kamay ng babae habang ito’y naliligo.

Sa takot ng dalaga bigla nitong itinulak ang suspek dahilan upang tumakbo palayo ang suspek.

--Ads--

Bagamat hindi ito ang unang beses na binosuhan ito ng suspek, bago pa ang naturang insidente, salaysay din ng biktima na biglang hinawakan siya ng suspek sa masilang bahagi ng kaniyang katawan nang bumili ito sa kaniya ng yelo.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan ng Tayug na nagresulta naman sa pagkakaaresto ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa himpilan.

Nahaharap ang suspek sa kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610.