Nakapagtala ng 15 na bagong active cases, 7 recoveries at isang nasawi sa COVID-19 dito sa lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), namatay ang 58-taong gulang na lalaki mula sa San Fabian dahil sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, 992 na ang recoveries sa lalawigan, habang 376 na pasyente ang nananatili sa ospital o Isolation Facility.

--Ads--

Sumatotal, 1,421 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 1,113 ay mula sa ibat ibang bayan habang 308 mula sa Dagupan, isang independent-component city o chartered city.

Nasa limampu’t- tatlo na ang namatay sa COVID-19 sa lalawigan.