
Natanggal sa listahan ang halos tatlong daang benipisyaryo ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program o SAP sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Mula sa 577 na SAP beneficiaries sa barangay Poblacion na nakatanggap noong unang tranche sa ngayon ay 550 na lang ang nakatanggap.
Ayon sa DSWD regional office 1, kabuoang 276 na beneficiaries sa bayan ng Mangaldan ang natanggal sa master list.
Lumalabas sa isinagawang duplication at validation ng DSWD sa mga nagdaang mga buwan na ang mga natanggal sa listahan ay membro ng SSS, 4ps, at GSIS pensioners ay mga kaanak pa sa ibang bansa.
Ilan din sa kanila ay nakatanggap na ng ayuda mula sa DOLE, DAR at LTFRB.
Puwede naman umanong mabigyan ng tulong ang mga natanggal sa listahan.
Hinimok ng DSWD ang publiko na sakaling may reklamo kaugnay sa SAOP ay maarinh idulog sa Grievance committee ng kagawaran.



