Nakatakdang maglunsad ngayong araw ng malawakang protesta ang grupong Bantay Bigas, Kilusang magbubukid ng Pilipinas at Pambansang Pederasyon ng mga kababaihang Magbubukid para hilingin sa pamahalaan na taasan ang presyo ng produktong palay.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ipapanawagan ng grupo sa NFA at DA na bilhin ang 20 percent local production ng mga magsasaka at bilhin ng P20 o higit pa bawat kilo upang maibsan ang hirap at pagkalugi ang mga magsasaka.

Cathy Estavillo, tagapagsalita ng grupong Bantay Bigas

Sinabi ni Estavillo na nais nilang maglagay ang NFA ng mga rolling stores sa mga komunidad.

--Ads--

Nais din na ipakita ng grupo na nagbibiald ng palay ang mga magsasaka sa highway dahil sa kawalan ng mechanical drier.

Dagdag pa niya na dahil sa pagkalugi ay napipilitan na ang ibang magsasaka na magbenta ng lupa.

Isasagawa sa bukid ang protesta bilang pagsunod na rin sa health protocol na bawal magkumpol kumpol.