Patay ang 18 anyos na rider ng motorsiklo matapos aksidenteng sumalpok sa kasalubong na van sa barangay Lareg Lareg sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, kinilala ang biktima na si VJay Canaleta residente sa lungsod ng Urdaneta.

Nabatid na kagagaling lang ng biktima sa libing ng kanyang lola at pauwi na sana nang mangyari ang aksidente.

--Ads--

Dinala pa siya sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.

Pinaniniwalaang mabilis na magpatakbo ng motorsiklo ang biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol ang motorsiklo habang tinatahak ang pakurbang bahagi ng kalsada kaya siya napunta sa linya ng van.

Naulila niya ang kanyang kinakasama at siyam na buwang gulang na anak.

Samantala, nagkaareglo na ang pamilya ng biktima at driber ng van.