Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng katrabaho nito sa isang rice mill sa barangay Bacag sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Ayon kay PMaj Christian Alucod, ang OIC ng Villiasis PNP, nagiinuman ang mga laborer sa rice mill kasama ang suspek na kinilala bilang si Sammy Gandalusao 32 anyos at ang biktima na kinilala bilang si Julito Caparoso.

Matapos makainom ng ilang bote ng alak ay nagkaroon ng sagutan ang suspek at ang biktima kung saan sinubukan pang awatin ang mga ito ng kanilang kasamahan ngunit sinundan pa ng biktima ang suspek na si Sammy.

--Ads--

Naginit ang ulo ng suspek kayat kinuha na nito ang balisong at pinagsasaksak ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan nito.

Nang pumunta ang mga kapulisan sa naturang lugar ay agarang tinakbo sa hospital ang biktima ngunit namatay na rin ito.

Narecover naman sa crime scene ang bladed weapon na ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima at nasa crime laboratory na ito.

Dagdag pa dito ay nakuhanan na din ng statement ang kasama ng mga itong laborer at ikwenento ang mga pangyayari.

Aminado naman ang suspek sa kaniyang nagawang kasalanan at kasalukuyang nasa kostodiya ng nabanggit na himpilan at naifile na ang kasong homicide.

Nagbigay mensahe naman ang opisyal na iwasan ang inuman at pagkukumpol kumpo lalo na ngayong may covid 19 pandemic at sundan ang mga sinasabi ng DOH na health protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus.