DAGUPAN, CITY— Mas humirap pa sa ngayon ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Madrid, Spain dahil sa nagpapatuloy na lockdown dahil lumalala pa ang kaso ng COVID-19 doon.
Ayon kay Bombo International Correspondent na si Eva Tinaza, Pinay mula sa nabanggit na bansa, kanyang ibinahagi na dahil sa muling paglala ng bilang mga indibidwal na tinatamaan ng naturang sakit sa kanilang bansa ay muling ibinalik ang pagpapatupad ng lockdown.
Bunsod ng naturang hakbang, ay mas lalong tumindi ang hirap na kinakaharap ng mga mamamayan doon lalo na ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho roon kumpara noong unang bugso nito.
Kanya ring nabanggit na may nakapagbigay naman ng karampatang tulong ng embahada ng Pilipinas sa Espanya lalo na sa may mga pinoy na may kaukulang mga papeles.
Muling ibinalik ang lockdown sa nabanggit na lugar dahil sa muling pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 roon.