DAGUPAN, CITY— Patay ang isang 23 anyos na driver matapos magpatiwakal sa barangay Nancalobasaan sa siyudad ng Urdaneta.

Batay sa impormasyon mula sa Urdaneta PNP, kinilala ang biktima na si Bryan Tonahin Segundo, residente ng nabanggit na lugar at may live-in partner na nagngangalang si Kimberly Ferrer.

Bago nangyari ang insidente, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan o away si Bryan Segundo at live in partner nito dahil di umano sa kanilang problema sa pamilya.

--Ads--

Dalawang linggo na ang nakalilipas, hindi pa rin umuuwi sa kanilang bahay ang kinakasama ng biktima habang nakita naman si Bryan na mag-isang umiinom ng alak sa loob ng kaniyang kwarto.

Dakong alas-9 ng gabi noong linggo, October 11, 2020, nadiskubre ng ina ni Bryan na si Emily Segundo ang katawan ni Bryan na nakabitin kung saan nagpatiwakal di umano ito gamit ang bedsheet na may habang 2.3 meters na nakakonekta sa wooden beam.

Nagrequest na ang Urdaneta City Police Station ng karagdagang tulong sa SOCO team para sa technical investigation. (with reports from: Bombo Everly Rico)