DAGUPAN, CITY— Naging malaking tulong sa matagumpay na kabuuang kampanya ng Los Angeles Lakers sa NBA 2020 Bubble ang pagkakaroon ng maraming motibasyon ng mga manlalaro nito lalo na sa bagong set-up ng mga laro.
Ayon kay Coach Angel Gumarang, isang coach mula sa Pangasinan at parte ng Bombo Radyo Dagupan NBA live update team, kayang sinabi na marami ang naging motivational factor ng Lakers kung bakit nila napasakamay ang prestihiyosong Larry O’Brien Championship Trophy laban sa Miami Heat.
Aniya, sa una pa lamang ng umano ng naturang conference ay malinaw na alay ng Lakers ang kanilang mga laro para sa kanilang namayapang legendary player na si Kobe Bryant.
Nagsilbing inspirasyon umano ang nabanggit na pumanaw ng NBA at Lakers star sa pagkamit nila ng kampeonato.
Bukod pa umano rito, ay may personal hugot din si Lebron James sa muli nilang paghaharap ng kanyang former team na Miami dahil gusto nitong patunayan na malayo na ang kayang nilago bilang isang manlalaro simula nang umalis ito roon.
Dagdag pa ni Gumarang na naging moral booster din ang kanilang pagkatalo mula sa dikit na laro sa Game 5 noong nakaraang sabado.
Inabot din ng isang dekada bago uli masungkit ng Lakers ang ika-17 kampeonato nito sa naturang liga.