Patay ang isang pulis matapos maaksidente sa kasagsagan ng malakas na ulan sa barangay Poblacion, sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, papasok na umano sana si Patrolman Carlo Jay Paragas sa Naguilayan, La Union nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo.
Tumilapon pa umano ito 10 metro mula sa kaniyang motor at nagtamo ng matinding sugat sa ulo at binti.
--Ads--
Nadala pa ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay.
Ayon sa Mangaldan PNP, natumba umano ang biktima dahil sa dulas ng kalsada bunsod ng malakas na ulan.
Upang makaiwas sa ganitong uri ng insidente ay nagpa-alala muli ang pulisiya na mag-ingat sa pagmamaneho lalo ngayong maulan na panahon.




