DAGUPAN CITY — Pahirapan ngayon ang ginagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng ulat na pagtaob ng bangka ng 14 na mangingisda sa karagatang sakop ng lalawigan ng Pangasinan.

Simula pa kasi kagabi ay nakararanas na ng pag-ulan dito sa probinsya. Sa abiso ng Provincial Disater Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pangasinan, hanggang ngayong gabi patuloy pa ring mararanasan ang paminsan-minsang pagbugso ng ulan. Maaring mahina lamang subalit minsan may kalakasan dulot ng Habagat.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, hatinggabi ng Miyerkules, October 7, nang tumaob ang Aqua Princess sakay ang 16 na crew kabilang ang kapitan ng bangka na si Eddie Ariño.

--Ads--

Subalit, kaninang umaga lamang naiparating sa mga otoridad ang insidente matapos na makarating sa bayan ng Infanta ang dalawang sakay nito na naatasang humingi ng tulong.