DAGUPAN CITY–Mayroong mga nagbabalak magpatayo ng power plant rito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa exlusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay Sec. Raul Lambino, Presidential Adviser for Northern Luzon, ito ay kasama sa pagtalakay ng mga programa o proyektong kaniyang inaasikaso sa pagpapa-unlad ng ekonomiya sa ilalim ng kaniyang nasasakupan dahil napag-usapan din umano ang pagbaba ng cheap power source o electric source sa nabanggit na probinsiya.
Samantala, sa pakikipag-ugnayan naman ni Lambino sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), kanilang natalakay ang hinggil sa land management sa mga lupain ng pamahalaan na kung maaaring tamnan ay marapat taniman ng mga puno o hindi kaya ay mga high value crops.
Aniya, malugod umanong makipag ugnayan ang DENR sa mga Local Government Units (LGUs) upang mas mapaigting pa ang programang “Greening the Countryside” partikular na sa Northern Luzon.
Kasabay nito ang pag-aasikaso ng river system rito sa Pangasinan.
Ani Lambino, isa umano sa mga panukala ngayon ng DENR ang bridging system o mga proyekto may kaugnayan sa mga ilog upang maibsan ang pagbaha sa mga mabababang lugar halimbawa nalang umano sa Central Pangasinan, gayundin sa ilang bahagi ng Ilocos Sur, Ilocos Norte at La Union.