DAGUPAN, CITY—- Nakasailalim sa lockdown ang ilang sitio sa barangay Bonuan Gueset dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bonuan Gueset administrator Ramil Soy, dahil umano sa nakakaalarma pagbulusok ng kaso ng naturang sakit sa kanilang lugar ay minabuti na lamang nila na isailalim ang ilang mga sitio na ilockdown hanggang October 13.

Kabilang umano dito ang tatlong lugar tulad ng Sabangan dahil magkakatabi umano ang mga nagpositibo sa naturang sakit. Strikto umanong naiimplementa ang lockdown at hindi pwedeng lumabas lalo na ang mga bata at matanda at isa lamang sa isang pamilya ang pinapayagan kung importante ang gagawin tulad ng bibili ng gamot at pagkain.

--Ads--

Kaugnay nito ay may nakahanda namang tulong ang barangay at siyudad sa mga apektado ng lockdown. Dagdag pa ng barangay official na sa ngayon ay abala ang mga barangay health workers at mga kagawad kung saan may dalawa ring kagawad na nagpositibo sa COVID-19.

Tinig ni Ramil Soy, Bonuan Gueset Administrator

Ngunit paliwanag naman nito na lahat ng active cases sa kanilang barangay ay nasa mga isolation area na ng mga hospital na kasalukuyang nagpapagaling. (with reports from: Bombo Adrianne Suarez)