Natagpuang palutang lutang ang bangkay ng hindi nakikilang lalaki sa karagatang bahagi ng barangay Cabalitian sa bayan ng Sual dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nasa 30 hangang 34 anyos ang bangkay, nasa 5 feet at 4 inches ang t angkad at katamtaman ang pangangatawan.

Naagnas na ang babgkay kaya naman ito ay agad na inilibing.

--Ads--

Sa pagtaya ng otoridad, nasa 2 hanggang 4 na araw nang palutang lutang sa karagatan ang biktima.

Wala itong suot na pagkakakilanlan at tanging ang pagkakakilanlan nito ay ang mga tattoo niya sa katawan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na pagkalunod ang sanhi ng ikinamatay ng biktima.