16 na bagong kaso ng Covid 19 ang naitala dito sa lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Sumatotal ay sumampa na sa 877 ang kaso ng COVID-19 dito sa lalawigan.

Sa datos mula sa Provincial Health Office (PHO) nasa 696 ang naitalang kaso sa iba’t-ibang bayan sa probinsya habang 181 naman sa lungsod ng Dagupan, 334 ang nananatli sa mga pagamutan, 30 ang nasawi at 513 ang total recoveries matapos gumaling kahapon ang 29 na pasyente.

--Ads--

Samantala,umabot na sa 304,226 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sumampa naman sa 5,344 ang COVID-19 related deaths sa bansa at nasa 252,510 ang total recoveries ng COVID-19.

Sa kabilang dako umabot na sa mahigit 33. 2 million ang bilang ng mga tinamaan ng sakt sa buong mundo.

Pumalo na sa mahigit 1 million ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 24.5 million naman ang gumaling na.