DAGUPAN CITY– Patay ang dalawang katao matapos ang nangyaring banggaan ng van at garong sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Richard Fernandez ng MDRRMC Bugallon, bagamat naging malakas ang impact at parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan, ang mga biktima na sakay ng garong ang labis na nagtamo ng pinsala na kanilang ikinamatay.

Nabatid na parehong nahulog sa palayan ang mga sasakyan matapos na masira ang road barrier dahil sa insidente.

--Ads--

Parehong dead on arrival na sa pagamutan ang mga biktima na hiniling na huwag ng pangalanan pa.

Sa ngayon patuloy paring iniimbestigahan kung paano naganap ang aksidente partikular na sa National Highway, sa barangay Socony.

Napag-alamang accident prone area ang lugar at sa katunayan noon lamang isang buwan ay mayroong babaeng motorista ang naaksidente din sa lugar.

Kasunod nito ay nagpaalala si Fernandez, sa mga motorista ng ibayong pagiingat sa pagmamaneho.