Nagtakda ng araw ng pagsasara ang ilang palengke sa Pangasinan upang magbigay daan ng disinfection at clean up.
Nauna nang nag-anunsyo ang City Government of Dagupan noong September 19 ng pagsasara ng kanilang palengke kada una at pangatlong Huwebes ng buwan.
Kabilang dito ang Malimgas Public Market, Magsaysay Fish Market, Malimgas Market Phase II (Makong), Galvan Market, Magsaysay Fish Market Extension, at mga public corridors ng McAdore area at Centromart ayon sa Public Information Office of Dagupan City.
Sumunod namang nag-anunsyo ang Local Government Unit of Lingayen ng kanilang Market Holiday tuwing Lunes simula September 28 alinsunod sa Executive Order No. 62 – 2020.
Ang Pamilihang Bayan ay magsasara upang magbigay daan rin sa disinfection at clean up ng buong lugar.
Ayon sa Lingayen Information Office, ang mga parmasya o botika na sakop ng pamilihang bayan ay exempted sa naturang kautusan ngunit hinihikayat ring magsagawa ng paglilinis sa kanilang stall.
Gayundin ang iba pang private establishments na bagamat magbubukas ay magsagawa din ng disnfection.
Ang pamilihang bayan naman ng Calasiao ay nagtalaga ng araw ng pamamalengke para sa bawat baranggay. Mahigpit na pinaalala sa mga pamilili ang NO FACESHIELD, NO FACEMASK, NO ENTRY.
Nakatakda namang magbukas ngayong araw ang ilang parte ng pamilihang bayan ng Bayambang – Block 3 o ang Meat at Fish Section kabilang ang Canteen matapos magsara ng dalawang linggo dahil sa isinagawang decontamination operations matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang meat vendor sa lugar.
Samantala, nasampolan ang ilang mga Quarantine Violators sa bayan ng Calasiao.
Kasama sa mga naaresto ang isang babaeng residente ng Barangay Ambuetel na bumibili lang ng shampoo sa kapitbahay nang walang suot na facemask.




