Nakapagtala ng Labing apat na panibagong kaso ng Covid 19 ang lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Dahil dito umabot na sa 782 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Mga OFW, APOR at frontliners ang mga bagong naitalang pasyente.

--Ads--

Sa kabuuang bilang, nasa – 473 na ang mga naka-recover matapos gumaling ang walong pasyente, 27 ang bilang ng mga nasawi at 297 naman ang kasalukuyang nagpapagaling pa at nananatili sa ospital o Isolation Facility.

Samantala, muling pinaaalala ng mga health authorities na mandatory na ang pagsusuot ng face mask at faceshield sa mga commercial establishment sa probinsya.

Ayon sa Provincial Health office, may karampatang multa na P5,000 at makukulong ng anim na buwan ang mga mahuhuling lalabag.

Una nang ipinag utos ng national IATF ang pagsuuot ng faceshield sa mga pampublikong sasakyan maging sa government at public offices.