DAGUPAN CITY–Nilamon ng apoy ang apat na stalls sa Bagsakan market sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

Tumagal ang sunog ng mahigit 20 minuto.

Lumalabas sa imbestigasyon ng otoridad na unang sumiklab ang sunog sa isang baloon and toy shop hanggang sa madamay ang tatlong katabing stalls.

--Ads--

Umabot ng mahigit 700,000 na halaga ng mga ari arian ang tinupok ng apoy.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang tunay na sanhi ng sunog habang maswerte namang walang nasaktan sa insidente.