Aminado si Zenaida Bautista, governor ng Philippine Nurses Association sa Region 1 na nahaharap pa rin sa malaking problema ang ibang mga nurses sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Bautista na bukod sa mababang sweldo ay ginawang hulugan ng ibang ospital ang bayad sa kanila habang sa mga contractual ay dalawang buwan na walang sahod, may mga ospital din na hindi nagbibigay ng overtime pay.
Isa pa aniyang kinakaharap ng mga nurses ay ang diskriminasyon.
--Ads--
Pero hindi naman masisisi ang isang ospital na mababa ang pasahod dahil walang pasyente.
Gustuhin din umano ng mga nurses na mag resign at lumipat ng iba pero ang problema nila ay takot sila na mailipat sa Manila dahil sa covid 19.




