DAGUPAN CITY – Ginahasa ang isang 14-anyos na dalagita ng kanyang kaibigan matapos makipag-inuman sa isang birthday party sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Sumama umano ang biktima upang makainuman sa naturang okasyon ngunit dinala ito sa bahay ng isa sa dalawang lalaking kasama nito at doon pinagsamantalahan.

Dahil dito ay hindi matanggap ng ama ng biktima ang sinapit ng kanyang anak ngunit dahil sa hirap ng buhay at walang pamabayad ng abugado ay tinanggap na lamang nila ang 100,000 pesos na pang-areglo ng dalawang suspek para hindi na ituloy ng pamilya ng biktima ang kasong rape laban sa kanila.

--Ads--

Palala naman ng San Carlos PNP, na manatiling mapagmatyag upang hindi mabiktima ng naturang krimen.