DAGUPAN CITY– Sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek sa likod ng mahigit 1 milyong piso na online scam sa isang government employee sa siyudad ng Urdaneta.

Nabisto ang naturang suspek na si alyas “Emelda” mula sa Masbate City matapos itong magclaim ng pera mula sa money remittance sa kaniyang probinsya.

Ayon kay PLTCOL VICENTE CASTOR JR, hepe ng Urdaneta City PNP, matapos umano nilang malaman ang impormasyon, ay nagsagawa ng entrapment operation ang kapulisan kung saan nagpadala ng pera ang biktima ngunit may naayos nang arrangement ang kanilang himplilan at matagumpay na nahuli ang babae.

--Ads--

Saad pa ni Castor, nakilala ng biktima ang suspek sa pamamagitan ng social media kung saan nagpakilala ito sa facebook account na nagngangalang Mary Rachel Mae na isang foreigner mula sa Australia.

Sinabi umano ng suspek sa biktima na siya ay kapitan ng isang barko at sa kanyang paglalakbay ay nag-aalala ito sa pagpasok ng pirata sa kanilang barko at makuha ang kaniyang pera sa volt na naglalaman ng 750 million dollars kaya nanghingi ito ng tulong sa biktima na ipatago ang kaniyang volt na naglalaman ng pera.

Matapos nito ay may kumontak sa cellphone ng biktima upang makuha ang pinadalang kagamitan ngunit kailangan munang magbayad ng 45,000 para sa custom at iba pang mga transaksyon.

Sumunod dito ay hiningan ulit siya at nagpadala ulit ito ng 188, 000 hanggang umabot na sa napakalaking halaga kaya’t minabuti na ng biktima na humingi ng tulung sa police station.

PLTCOL VICENTE CASTOR JR, hepe ng Urdaneta City PNP

Sa ngayon, ay naisampa na ang karampatang kaso sa suspek at kasalalukuyan nasa kustudiya na ito ng naturang himpilan.