DAGUPAN CITY–Nakapagtala ng 6 na panibagong kaso ng Covid-19 ang bayan ng San Fabian Pangasinan sa loob lamang ng linggong ito.

Nabatid mula kay San Fabian MHO Dr. Jose Quiros Jr, araw ng lunes September 14 ng taong kasalukuyan ay nakapag tala ng 3 positibong kaso, sinundan ng isang kaso noong Sept. 16, at 2 kaso pa ang naidagdag.

Unang naitala si Patient #8 kung saan naoperahan ito sa Region 1 Medical center o R1MC noong August 28 at sumailalim sa swab test noong Aug. 29. Pagsapit ng Aug.

--Ads--

31 lumabas na positibo ang kaniyang resulta. Si Patient #9 ay isang babae, isang nurse sa Region 1 Medical Center o R1MC.

swab test ito noong Sept. 11 at lumabas ang kaniyang resulta noong sept. 14.

Si Patient #10 naman ay isang lalaki, nanunungkulan bilang medtech sa isang medical clinic sa bayan ng Mangaldan.

Si Patient #11 naman ay isang Locally Stranded Individual o LSI mula sa Manila.

Dumating ito sa kanilang bayan noong Sept. 14 at nagpa swab test kaagad sa mismong araw din ng kaniyang paguwi sa R1MC.

Si Patient #12 naman ay isang lalaking frontliner sa R1MC, 31 taong gulang at na swab test ito noong Sept. 15 at kasalukuyan pa ding naka admit sa R1mC.

Pinaka huli sa kanilang datos si Patient #13 na isang 13 taong gulang na babae.

Nakatakda sana itong lumipad patungong abroad ngunit sa kasamaang palad, ni require itong sumailalim sa swab test.

Siya ay na swab test noong Sept. 14, at lumabas ang resulta noong Sept. 16.

Sa ngayon, minabuti itong isailalim sa striktong home quarantine.

San Fabian MHO Dr. Jose Quiros Jr.

Giit ni Quiros, tila mahirap ng malabanan o masugpo ang dumaraming bilang ng positibong kaso dahil na din sa ilang factors tulad na lamang ng pagkakaroon na ng kaluwagan dito sa ating nasasakupan kasabay pa ng kawalan ng disiplina ng taombayan.