DAGUPAN CITY– Hinuli ang magkapatid kabilang ang isang menor de edad dahil sa panggagahasa sa walong taong gulang na pinsan sa lungsod ng San Carlos Pangasinan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, ilang beses umanong pinagsamantalahan ang biktima .

Panghuli ay nang yayain ang bata na manghuli ng palaka sa bukid pero dinala siya sa silong ng mangga at doon pinagsamantalahan ng mga suspek na edad 20 at 16 anyos.

--Ads--

May dala dalang kutsilyo ang mga ito at tinakot umano ang biktima.

Ang menor de na suspek ay nasa kamay na ng DSWD.

Itinanggi naman ng isa sa mga suspek ang paratang

Ayon sa Women and Children Protection Desk, positibo na ginahasa ang biktima.