DAGUPAN CITY– Pinag-aaralan ng provincial government ang paghihigpit ng community quaratine sa lalawigan ng Pangasinan sakaling tumaas pa ang kaso ng covid 19.

Mula sa kasalukuyang modified GCQ ay maaaring muling ibalik ang probinsya sa general community quarantine .

Ito mismo ang pahayag ni Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman sa panayam ng Bombo radyo Dagupan.

--Ads--

Dagdag pa niya na sa kanilang obserbasyon, nagiging kampante na ang mga maraming residente sa Pangasinan.

Dahil dito muli siyang nanawagan na obserbahan pa rin ang social distancing, paghuhugas ng kamay, pagsusuot face mask at face shield sa mga pampublikong sasakyan, sa mga tindahan at lugar ng trabaho.

Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman

Nabatid na muling nakapagtala kahapon ang lalawigan ng 26 na bagong kaso ng covid-19. Ito ay mas mababa sa naitalang 49 na kaso noong nakaraang araw kung saan ang mga tinamaan ay dalawang malaking palengke sa lungsod ng Dagupan at Bayambang.

Ayon kay de Guzman na 608 na ang kabuoang bilang ng kaso sa lalawigan.Sa nasabing bilang , 173 ang active case, 413 ang gumaling na at nasa 22 naman ang nasawi.

Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman

Pinakamaraming naitala ay sa bayan ng Basista at Natividad. Nagtala rin ng mga bagong kaso ang lungsod ng Dagupan, Urdaneta, San Carlos, Santa Barbara, Lingayen, Binmaley , Calasiao, San Fabian, Bolinao at Urdaneta City.