DAGUPAN CITY– Naputulan ng paa ang isang rider ng motorsiklo matapos sumalpok sa isang barikada sa bahagi ng De Venecia Highway dito sa lungsod ng Dagupan Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng kontrol ang rider at muntikan pa niyang araruhin ang mga siklista sa daan.

Naputulan ng paa ang rider at sugatan naman ang kanyang angkas.

--Ads--

Nagkataon na may dumaang ambulansya sa lugar at agad silang dinala sa ospital.