Humingi ng tulong sa Bombo Radyo Dagupan ang isang kamag anak ng nawawalang menor de edad na umanoy sumama sa isang 23 anyos na lalaki na karelasyon mula sa barangay Salomague, bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marco dela Cruz kapatid ng 14 anyos na si Daisyree, unang nadeskubre ang namamagitan ng kanyang menor de edad na kapatid at ng umanoy kasintahan nito noong magsimula ang lockdown. May nangyari na umano sa dalawa hanggang sa umalis ng bahay ang kapatid at nag iisang linggo nang wala silang balita dito.

Ayon pa kay Marco, ang problema pa ay may asawa na ang lalaki bagamat hiwalay na ito. Nais aniya nilang sampahan ito ng kaso pero ang sabi umano ng mga otoridad ay kusa raw sumama rito ang menor de edad na kapatid.

--Ads--
Marco dela Cruz

Sinabi pa ni Marco na may tumatawag sa kanila na nakikita nila ang dalawa dito lang sa Pangasinan pero kapag pinupuntahan naman nila ang lugar ay hindi na sila nadadatnan dahil umaalis naman agad ang dalawa.

Nais ngayon ng kanyang pamilya na maibalik ito sa kanilang poder at hindi na rin sila magsasampa ng kaso.

Marco dela Cruz