DAGUPAN, CITY—- Mariing itinanggi ng Punong Barangay ng Gayaman sa bayan ng Binmaley ang pagkakasangkot nito sa anomalya sa distribusyon ng Special Amelioration Program (SAP) subsidy first tranche base sa inilabas na listahan kamakailan ng DILG.
Sa ating eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Brgy. Captain Froilando Fernandez, ng Brgy. Gayaman, imposible umano na masangkot ito sa naturang anomalya.
Kinuwestyon pa ni Fernandez kung paanong makakapag bulsa ito ng pera mula sa SAP subsidy gayong siya mismo ay hindi naman nakahawak ng nasabing pera dahil direkta na ang nagdistribute nito ay ang DSWD.
Diin pa nito, wala rin umanong naganap na paghahati hati ng pera dahil agad na naman na natanggap ito ng mga benepisyaryo sa kanilang barangay na aabot sa mahigit limampung indibidwal.
VC FERNANDEZ DI HAWAK
Una rito ay nakatanggap narin ang opisyal ng impormasyon na ito ay inireklamo kaugnay sa kurapsyon sa distribution ng naturang subsidiya ngunit isang daang porsyento naman umano siya na wala itong binulsa na kahit na anong halaga ng pera taliwas sa lumbas na pagkakasangkot nito.
Dagdag pa niya, kung posible mang makasuhan siya ng crimininal charges ay tatanggpin naman niya ito at rerespetuhin ang kung ano mang desisyon basta’t dadaan ito sa due process.
Matatandaan na kasama si Brgy. Froilando Fernandez sa anim na barangay captain sa walumpu’t syam na napatunayang guilty sa anomalya sa Social Amelioration Program Tranche 1 na sususpendihin ng anim na buwan.