Naniniwala si Sen. Risa Hontiveros na hindi lamang administrative charges ang dapat na ipataw sa mga napatunayang tiwaling punong barangay na nasangkot sa anomalya ng distribusyon sa Social Amelioration Program (SAP).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hontiveros, ito ay upang higit na masigurong mananagot ang mga may sala.
Aniya, ito rin umano ay para mabigyan ng hustisiya ang mga kababayang hindi nakatanggap ng naturang pinansyal na tulong.
--Ads--
Matatandaang sa 89 na mga punong baranagay na napatunayang guilty sa SAP anomaly ay anim ang mula sa lalawigan ng Pangasinan.