Residents from Barangay Batasan Hills in Quezon City line up to receive cash under the social amelioration program amid the enhanced community quarantine on May 4, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News

Pabor si Board member at Liga ng mga barangay president Jose Peralta Jr. sa bayan ng Balungao sa pagpapataw ng preventive suspension sa mga punong barangay sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa pagiging guilty sa Social Amelioration Program (SAP) distribution anomaly sa first tranche.

Maaari rin aniyang matanggal ang mga punong barangay kapag napatunayan sa gagawin pang imbestigasyon na may iba pang irreguridad na nagawa.

Pero duda naman si Peralta sa proseso kung ito ba ay dumaan sa evaluation ng DILG officer at Municipal social worker ng munisipalidad.

--Ads--

Paliwanag nito na may protocol na dapat magsagawa muna ng evaluation ang MSWD sa mga reklamo laban sa nasabing mga barangay official bago isumiti sa rehiyon.

Liga ng mga barangay president Jose Peralta Jr.

Matatandaang kasama ang anim na punong barangay sa lalawigan ng Pangasinan sa walumpu’t syam na napatunayang guilty sa anomalya sa Social Amelioration Program Tranche 1 na sususpendihin ng anim na buwan.

Ang mass suspension ay kaugnay sa isinampang reklamo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa naturang mga barangay chairman.

Dahil dito, nanganganib na matanggal sa puwesto ang mga ito dahil sa serious dishonesty, grave misconduct, abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of the service.