Natagpuang palutang lutang sa palaisdaan ang bangkay ng isang PWD sa barangay Payar, Malasiqui, Pangasinan.
Nakilala ang biktima na si Bryan Kilo Malbog, 21 anyos at residente sa Buenlag 1st sa bayan ng Bayambang.
Ayon sa salaysay ng kanyang ina, tumakas sa bahay nila si Kiko nitong tanghali ng Sabado para dumalaw sa burol ng yumaong lolo sa bayan ng Calasiao.
--Ads--
Pinaniniwalaang binogbog ang biktima at itinapon sa lugar o ginulat upang mapunta sa palaisdaan.
Patuloy na iniimbestigahan kung may foul play sa kanyang pagkamatay.
Nanawagan ang kanyang pamilya sa mga posibleng nakakita sa pangyayari upang mabigyan ng hustisya sa sinapit ng biktima.




