Patay ang dalawang mekaniko matapos madaganan ng inaayos na dumptruck sa barangay Rosario sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, ipinatawag ng may ari ng nasirang dumptruck sina Romnick Ferrer, Elvin Biliran at Blake Garcia upang ayusin sana ito.
Habang inaayos ang sasakyan ay bigla natanggal ang bakal na sumusuporta rito.
--Ads--
Agad namang nirespundihan ang insidente ngunit naging pahirapan ang pagligtas sa mga
Dinala sa pagamutan ang mga ito pero ideneklarang dead on arrival sina Biliran at Garcia habang nagtamo ng sugat sa balikat, braso at kamay si Ferrer.
Samantala, nangako ng tulong pinansyal ang may-ari ng truck sa mga biktima at inako nito ang pagpapalibing sa dalawa at pagpapagamot sa isa pa.




