Hinihintay na lamang ng alkalde ng bayan ng Binmaley, Pangasinan ang isinampang kaso ng PNP-CIDG laban sa tatlong punong barangay sa kaniyang nasasakupan na lumabas na guilty sa pagkakasangkot sa anomalya sa first tranche ng Social Amelioration Program (SAP) distribution nang maipataw na nito ang anim na buwan na suspensyon sa mga ito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mayor Simplicio “Sammy” Rosario, alkalde ng nabanggit na bayan, hindi naman umano ito nagkulang sa pag-papaalala sa kaniyang nasasakupang barangay officials na ibigay sa nararapat na benipesyaryo ang naturang pinansyal na ayuda.

Binmaley Mayor Simplicio “Sammy” Rosario

Ang tatlong punong barangay ay mula sa barangay Caloocan Norte na si Rogelio Fernandez, Froilando V. Fernandez ng barangay Gayaman at Lawrence Gilbert Delos Angeles ng barangay Balogo.

--Ads--