DAGUPAN CITY– Nahaharap na sa kaukulang kaso ang walong katao na naaresto ng mga otoridad matapos mahuli sa akto ng pagsusugal sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Lt/Col. Haron Ali, Officer in Charge ng Binmaley PNP, bago ang kanilang operasyon ay nakatanggap sila ng report mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa Brgy Malindong sa nasabing bayan.

Agad itong nirespondehan ng pulisya at nahuli mismo sa akto ang walong indibidwal na nagsusugal .

--Ads--

Naging hudyat naman ito upang arestuhin ang mga suspek kung saan nakumpiska ang isang set ng baraha, mahjong tiles at ang bet money na hindi bababa sa limang libong piso.

Police Lt/Col. Haron Ali, Officer in Charge ng Binmaley PNP

Agad ding sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 ang walong suspek bagamat nakalaya rin matapos makapaglagak ng piyansa.

Samantala, nagpaalala naman ang Binmaley PNP sa publiko na huwag ng tangkain na gumawa ng illegal na aktibidad katulad na lamang ng pagsusugal dahil kahit na mayroong pandemya ay hindi nila papalampasin na makalusot ang mga ito.