Patay sa pamamaril ang 63 anyos na lalaki sa barangay Cadre Site sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Nagtamo ng 3 tama ng bala ng baril ang biktima na si Martin Ursua.

Pauwi na sana umano ang biktima galing sa isang reunion nang mangyari ang pamamaril.

--Ads--

Ayon sa mga saksi, naghihintay ng masasakyan sa gilid ng kalsada ang biktima nang biglang lapitan ng lalaking sakay ng motorsiklo at saka pinagbabaril.

Agad ding umalis ang suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng love triangle ang nakikitang motibo sa kremin base sa naging salaysay ng ilang testigo.

Sa follow up operation ng pulisya ay naaresto ang suspek na isang retiradong membro ng Philippine Army.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril.