Naalarma na ang Provincial Health office sa drumaraming kaso ng pagpapatiwakal dito sa Pangasinan.

Base sa tala ng PHO, nakapagtala na ng 56 na kaso ng pagpapakamatay dito sa lalawigan magmula buwan ng Enero hanggang Agosto, 2020.

Sa kabuoan ng 56 na kasong pagpapakamatay , 41 ay naitala mula Marso hanggang Enero kung saan nagsimula ang pandemic.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman, sinabi niya na ang pagpapakamatay ay maaaring may kinalaman sa covid crisis.

Karamihan aniya sa sanhi ng pagpapakamatay ay depression, problema sa kalusugan, sa pinansyal at problema sa kanilang pamilya o kinakasama.

Karamihan din sa paraan ng pagpapatiwakal ay pagbigti.

Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman

Aminado naman si de Guzman na hindi handa ang mga hospital sa lalawigan sa pagtugon sa dumaraming kaso ng pagpapakamatay na sanhi ng depression.

Aniya, counselling ang pinakamainam na paraan upang mapigilan ng mga taong depress o problemado na makapag isip na wakasan ang kanilang buhay.

Giit niya na kailangang may mga psychologist na kakausap sa mga ito.

Kaya lang ang problema ayon kay de Guzman ay malaki ang kakulangan ng mga espesyalista partkular ng mga psychiatrist at psychologist para sa mental health.

Provincial Health Officer Dr. Anna Marie de Guzman