Inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang extended curfew hours para magbigay daan sa muling pagpapasigla ng ekonomiya sa siyudad.
Ayon kay Councilor Joey Tamayo, ito ay sa bisa na rin ng urgent ordinance ni Mayor Marc Brian upang mabigyan ng mas mahabang oras ang mga business establishments na nais palawigin ang kanilang business hours.
Ang City Ordinance No. 775 o extend curfew hours na siyang napagkaisahan ng 10 mga konsehal at ni Vice Mayor Brian Cua ay epektibo na kahapon, September 8 kung saan mula 11pm- 4am ay papahintulutan na ang mga indibidwal na pumasok sa trabaho at iba pang transaksyon upang muling mabuhay ang ekonomiya sa lungsod.
Nabatid din ni Tamayo na kanilang sisiguraduhin na sa kabila ng mas pinahabang oras ng curfew ay masunod pa rin ng mga residente ang mga ipinapatupad na mga guidelines upang makaiwas sa pandemya gaya na lamang ng pagsunod sa tamang social distance, pagsusuot ng face masks at face shields.
Maigting din nilang ipinagbabawal ang pagbebenta o pag-inum sa ilalim ng itinakda nilang oras para makaiwas naman sa krimen.
Aniya, kanila na ring inabisuhan ang mga barangay officials sa siyudad upang mabantayang maigi ang mga indibidwal na maaring lumabag sa mga ipinapatupad naman na health protocols laban sa COVID-19.




