Plano ng Kitchen Knife Warriors Foundation of the Philippines (KKWFP) na isunod ang lalawigan ng Pangasinan na dayuhin at bigyan ng mga libreng pagkain at turuan ang mga kabataan ng kanilang pagkakakitaan hinggil sa pagkukusina habang sila ay nasa kani-kanilang tahanan lang.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa Presidente ng KKWFP na si Chef Joebert CaƱedo, ang nabanggit na samahan ay binubuo ng 33 pawang mga chef o kusinero.
Nagsimula sila sa kanilang libreng mga tulong para sa mga kabataan noong buwan ng Pebrero upang makapagbigay inspirasyon sa mga ito na pasukin din ang pangungusina.
Kanila ng napuntahan at natulungan ang mga kabataan sa bahagi ng Quezon City, Nueva Ecija, Tanay,Rizal at kamakailan sa Brgy. Alion Mariveles, sa Bataan.