Sinampahan ng kasong murder ang isang PWD matapos saksakin at mapatay nito ang kaniyang biyanan sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Batay sa pahayag ng suspek na kinilalang si Cesario Flores, lagi umano siyang binubully ng kaniyang biyanan na isang 83 anyos at biktima na si Bonifacio Serote dahilan ng suspek kung kayat nagawa nito ang krimen.
Ayon kay PLt.Col Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan PNP, may mild stroke ang suspek at maraming beses umanong nakaranas ng iba’t ibang klase ng pambubully na sinasabi ng biktima sa suspek.
Lumalabas sa imbestigasyon ng awtoridad na sinaksak ang suspek malapit sa puso gamit ang isang bread knife.
Isinugod pa ang suspek sa ospital madaling araw ng September 2 subalit doon na ito binawian ng buhay.
Nakapiit na sa himpilan ng Mangaldan ang suspek matapos maaresto at sinampahan na ng kasong Murder na walang kaukulang piyansa.
Nakadepende naman sa desisyon ng korte kung papatawan ng lifetime sentence ang suspek na isang PWD sa nagawa nitong krimen.
Sa kasalukuyan, ito ang kauna-unahang kaso ng murder na naitala sa bayan ng Mangaldan.




