DAGUPAN, CITY—- Arestado ang isang 35 anyos na pipi at bingi matapos gahasahin ang isang 17 anyos na dalagita na kapwa nitong may kapansanan sa Barangay Dumpay sa bayan ng Basista.

Ayon kay PCapt. Arturo Melchor, Chief of Police ng Basista PNP, nakaupo lamang umano ang biktima sa simbahan nang tinawag ito ng suspek at dinala ang biktima sa sagingan at doon pinagsamantalahan.

Saad pa ni Melchor, posibleng hindi lamang ito ang unang beses na nagawa ng suspek ang naturang krimen.

--Ads--

Aniya, positibong natukoy ng kanyang ina ang biktima sa sagingan na namumutala pa habang tinataas ang kanyang shorts.

Nang sumailalim ang biktima sa medico legal ay nakumpirma ng naturang himpilan na ito ay ginahasa.

Napag-alamang dating drug surenderer ang naturang suspek at kasalukuyan na itong nasa kustudiya ng naturang himpilan.