DAGUPAN, CITY— Tiniyak ng Deped Region 1 nakahanda na ang mga paaralan sa rehiyon uno para sa nalalapit na pasukan sa Oktubre 5.
Ayon kay Dr. Tolentino Aquino, Regional Director ng Deped Region 1 na sa ngayon ay naimprinta na nila ang mga gagamiting modules ng mga mag-aaral ng apat na linggo at nakahanda na itong ipamahagi sa lahat ng mga paaralan sa rehiyon.
Aniya, base sa mga ulat ng mga supirentendent ay naisagawa na ito ng ilang paaralan kasabay ng pagsasagawa ng try out at simulation katuwang ng mga barangay officials, mga guro at mga magulang.
Saad ni Aquino na nasa mga eskwelahan sa rehiyon na ang desisyon kung kelan ipapamahagi ang nasabing mga modules.
Bukod pa umano rito ay magkakaroon din umano ng psychological first aid para maihanda ang mga mag-aaral dahil sa matagal na pagkaantala ng klase upang maging handa sila sa pag-aaral kung saan ito ay binubuo ng activity sheets na sasagutin ng mga estudyante.