DAGUPAN CITY–Nakapagtala ang lalawigan ng Pangasinan ng karagdagang apat na nagpositibo sa Covid-19 at isang panibagong nasawi.

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng 50 anyos at 41 anyos na parehong babae, at kapwa taga lungsod ng Dagupan, isang 87 anyos na lalaki mula sa bayan ng Binalonan at 35 anyos na lalaki sa bayan ng Malasiqui.

Samantala, ang nasawi ay 58 anyos na babae na residente ng Santa Barbara.
Umabot n

--Ads--

aman sa 309 ang recoveries sa lalawigan ng Pangasinan matapos magkaroon ng 5 recovered patients kahapon.

Ayon sa talaan ng Provincial Health Office, dalawang lalaki edad 43 at 29 mula sa Bayambang ang gumaling. Kasama rin dito ang 38-taong gulang na lalaki mula sa Mangaldan, 35-taong gulang na lalaki mula sa Sta. Barbara, at 29-taong gulang na lalaki mula sa Sta. Maria.

Sumatotal ay mayroon nang 416 na confirmed Cases dito sa lalawigan. Sa kasalukuyan, 91 na pasyente ang nananatili sa ospital o Isolation Facility at 16 na ang nasawi.

Umaabot naman sa 997 ang kabuuang suspects o patient under investigation o (PUI) habang sumampa na 165,599 ang Person Under Monitoring o PUM.