Hindi sapat na malaman lang kung sinu-sino ang sangkot sa ‘pastillas’ scam sa Bureau of Immigration (BI). 

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sen. Risa Hontiveros sinabi nito na dapat din umanong masigurong matutuldukan na ang naturang korupsyon sa nabanggit na ahensiya.

Ito ay matapos ang pagsampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa 19 na tiwaling empleyado ng BI. 

--Ads--

Ibinahagi naman ni Hontiveros ang pagkaka-galak nito na bagaman nasa kasagsagan ang bansa ng pandemyang dulot ng COVID-19 ay ipinagpatuloy pa rin ng NBI ang kanilang imbestigasyon sa nasambit na katiwalian matapos itong ilantad ng Senate Committee on Women noong unang bahagi ng kasalukuyang taon.

Matatandaang ang ‘pastillas’ scam ay ang ilegal na pagpapapsok ng Chinese Nationals sa ating bansa na siyang nagbunsod ng ibat-ibang mga krimen gaya ng human trafficking, prostitutions, illegal detention, at ang mismong katiwalian sa Immigration.