DAGUPAN CITY–Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Agno lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa Phivolcs naitala ang pagyanig sa 42 kilometers northwest ng bayan ng Agno, alas-2:49 madaling araw ng Miyerkules (September 2).

May lalim na 3 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

--Ads--

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.