DAGUPAN CITY–Nasa pangwalong kaso na sa talaan ng San Fabian ang naitalang isang panibagong kaso ng Covid-19 sa nasabing bayan.

Ayon kay San Fabian Municipal Health officer Dr. Jose Quiros Jr, inadmit ang naturang pasyente sa Region 1 Medical Center o R1MC matapos itong magpositibo sa swab test

Matatandaan na nauna nang na infect sa naturang sakit ang 2 magkapatid na mula sa brgy. Cayanga.

--Ads--

Nauna si Patient No. 6 na sa kasamaang palad ay hindi nakaligtas sa banta ng Covid-19 at nailibing na noong Aug. 20 ng taong kasalukuyan.

Mula noong lumabas na kumpirmadong positibo ang naging resulta ng swab test ni Patient No. 6, silang magkakapamilya ay isinailalim sa swab test at striktong home quarantine.

Subalit pagsapit ng araw ng Sabado, Aug. 22, lumabas na positibo ang resulta ng swab test sa isang miyembro ng pamilya at ito nga ay ang kaniyang kapatid na babae na si Patient No. 7.

Siya ay hindi kinakitaan ng kahit na anumang signs and symptoms ng Covid-19.

Ang nasabing pasyente ay walang travel history subalit napag alaman na bago ang quarantine niya ay siya ang nakatalaga na namalengke at taga bili ng kanilang araw-araw na pangangailangan.

Ayon pa kay Quiros ang panibagong kaso sa kanilang bayan sa ngayon ay wala ding travel history.

San Fabian Municipal Health Officer Dr. Jose Quiros Jr

Patuloy ang pagsasagawa nila ng mas pinaigting na contact tracing upang matukoy kung mayroon pang susunod na magpapakita ng signs and symptoms ng naturang sakit.