DAGUPAN CITY–Labis na ikinalungkot ng mga mamamayan sa Japan at Filipino community doon ang biglaang pagbibitiw ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil sa kaniyang kalusugan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jivan Fusingan, caregiver sa Aichi Ken, Japan, gustong gusto ng mga tao ang pamamalakad ni Abe sa Japan.

Binanggit niya ang malaking naitulong nito sa kanilang mamamayan sa panahon ng pandemya kung saan nagkaloob ang Japanese government ng 100,000 yen bawat isa na naapektuhan ng krisis.

--Ads--

Kung ilan umano sa bahay ay ganun din ang binigay sa bawat isa.

Bukod sa cash assistance ay tumanggap din ang mga empleyado doon mula sa kanilang kompanya ng mga groceries.

Samantala, may tatlo umanong tatakbong Prime minister sa botohan sa September at isa sa mga ito na isa ring cabinet secretary na nakilalang si Suga Sang ay gusto ng mga Pinoy.