Sa gitna ng COVID-19 pandemic, nagsagawa ng tree planting ang isang fraternity group dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Atty. Mageryl Shay De Guzman, Alumni President ng Alpha Pi Chapter ng Alpha Phi Omega at siya ring nanguna sa naturang service project, ginawa nila ang aktibidad na tinawag na “PLANT A TREE, MAKE COVID AIR FREE” sa Daang Kalikasan, sa bayan ng Mangatarem.

Aniya, layon nitong mapangalagaan at mapaganda parin ang lugar sa gitna ng pandemiya upang kapag natapos na ito at naging bukas na muli sa publiko ang lugar ay mas maganda na ito gayundin ang kalidad ng hangin.

--Ads--

Dagdag pa nito, bukod sa kanilang mga miyembro, kaisa din nila ang hanay ng PNP at isang AGRI-FARM DEVELOPMENT CORPORATION.

Samantala, bukod dito, napag-alaman na nagsasagawa din ng relief service ang grupo para sa mga labis na apektado ng COVID-19.